nuffnang

Thursday, June 27, 2013

Kitang hindi inaasahan!

Halloww..

Matapos mag init ang inyong mga ulo, dahil sa kwento ng aking
mga yaya na Monster, dragon and so on..

Punta naman tayo sa isang  mejo positive na news..

Alam niyo ba kahapon na pumasok me ng office na
wala pa 100 ang dala ko pera.. hmm true yun huh..
bilang malapit na ang sahod, ganito talaga ang siste kadalasan ng
isang dukhang gaya ko.at bilang mahilig ako mandamay sasabihin
ko rito na gaya namin. hahahha..kilala nila kung sino silang
tinutukoy ko...  =)

- Papasok ka ng opisina na iilang piraso ng barya  na lang ang nasa iyong
bulsa..
- maghihintay ka na lang ng sundo ng asawa para makauwi ng bahay ( sabi ng officemate ko yan )
- manghihiram na lang ng pera sa kaibigan para makauwi ng bahay, at
sasabihin na sa sahod na ang bayad. ( thank you sa nagpapautang )
- maghahapunan na pancit canton na lang ang ulam, o di kaya ay Noodles, o sardinas.

at pag nasa ganyang sitwasyon na, bawal na bawal ng malaglagan ng piso ang
iyong bulsa, dahil pag nangyari yun maglalakad pa pauwi o d kaya ay
mag mamakaawa kay manong driver na, " kuya sorry kulang ng piso " sa susunod na lang huh.. lol

Pero,kapit lang, sabi nga sa kanta diba..

" May bukas pa."

Uu  marami naman talagang bukas, bukas makalawa, kinabukasan. .

Seriously eto na..

So, pag uwi ko ng bahay, agad akong sumilip sa aking paypal account, at email account
bilang pulubi na ako, nagbabakasali na ako ay may natatagong kabaryahan..

at ito ang bumungad sa akin..



Email notification

Ohhh db.. yan ang mga kitang hindi mo na inaasahan na makukuha mo pa pala..

After how many weeks of pag titiyaga, at pag pupudpod ng daliri at utak ..
ayan na ang bunga ng aking paghihirap..
sana bukas mahawakan ko na siya, bilang sa Sabado pa ang sahod..

kaya,, May awa ang diyos, pero nasa tao ang gawa..

So gawa lng ng gawa,, at pag naawa si God. Ikaw rin ang

makikinabang.. ansavehhh...

Have fun everyone..

nuffnang

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...